Text SSS Facility, mas pinadali para sa mga Miyembro

  • 19
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    19
    Shares

Sa nagdaang kolumn, ibinalita ko ang tungkol sa planong digitalization sa SSS. Kabilang dito ang pagsusubmit ng transaksyon online at paggamit ng SMS o text messaging upang maka-access sa iba’t-ibang impormasyon tungkol sa inyong SSS membership. Bakit hindi? Halos lahat ng mga miyembro ay may cellphone na. Wala mang internet, basta may pang-text, malalaman mo na ang ilang mga bagay tungkol sa iyong SSS records. Hindi mo na kailangang pumunta sa branch offices.

Kailangan muna mag-rehistro bago gamitin ang Text-SSS Facility. I-text ang SSSREG . Matapos magrehistro ay makatatanggap ka ng confirmation text at bibigyan ka ng PIN. Maaari mo nang gamitin ang Text-SSS Facility.

Tandaan niyo lamang ang sumusunod na key words at i-send sa 2600:

Para makuha ang PIN number, i-text ang SSS RESET . Kung gusto mong alamin kung nasaan ang pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar, ipasok ang key words na SSS BRANCH o Postal Code>. Para malaman kung ilan na ang naihulog mong kontribusyon, i-text ang SSS CONTRIB . Kung gusto mo maging updated sa status ng iyong Salary Loan, i-text ang SSS LOANSTAT . Samantala, i-text ang kung nais mong alamin ang iyong loan balance.

Pwede rin malaman ang status ng inyong benefit claims gamit ang Text SSS. I-text lamang ang SSS STATUS Sickness , SSS STATUS Maternity , SSS STATUS ECMed , SSS STATUS Disability , SSS STATUS Retirement , SSS STATUS Death , SSS STATUS Funeral .

Maliban sa status ng iyong benefit claims, pwede mo rin makuha sa Text-SSS ang iyong Payment Reference Number o PRN. I-text lamang ang SSS PRN . Para magabayan ang ating mga miyembro, nagbibigay din ang Text-SSS ng listahan ng requirements para sa Overseas Filipino Workers, Self-employed, at Voluntary Member, pati na rin sa pag-apply ng SSS ID. I-text lamang ang SSS OFW, SSS SELF, SSS VOL at SSS ID, depende sa impormasyon na nais malaman ng miyembro. Kung gusto mo naman mag-update ng membership data, i-key in lamang ang SSS CHANGE.

Kung nais ninyong malaman ang mga dokumentong kailangang i-submit para maka-claim ng alinman sa mga benefits ng SSS, i-text ang SSS DOC Sickness para sa Sickness Benefits, SSS DOC ECMed para sa EC Claim, SSS DOC Death para sa Death Benefits, SSS DOC Maternity para sa Maternity Benefits, SSS DOC Disability kapag Disability Claim at SSS DOC Funeral kung Funeral Benefit Claim. Kung dokumento naman sa pagreretiro ang nais malaman ng mga miyembrong nasa 65 years old pababa, ipasok lamang ang key words na SSS DOC Retirement. Samantala, i-text ang SSS DOC Retirement Minor para malaman ang mga dokumentong kailangang i-submit kapag may minor dependents.

Sa dami ng keywords na nabanggit ko, marahil ay makakalimutan niyo ang karamihan sa mga ito. Kaya i-text ang SSS HELP para malaman ang mga iba’t ibang commands. Mas makakabuti rin kung gupitin niyo na lamang ang kolumn na ito sa dyaryo o kaya naman kuhanan ito ng litrato para may gabay kayo sa paggamit ng Text-SSS.

====

Para sa mga retiree pensioners namin dito sa Baguio City at kalapit na lugar na nais umutang, tuloy tuloy ang pagtanggap namin ng aplikasyon para sa Pension Loan Program. Ito ay para matulungan namin kayong maibsan ang inyong panandaliang pangangailangang pinansyal. Makipag-transact lamang sa SSS Baguio branch o kahit saang sangay ng SSS sa inyong lugar. Tandaan, huwag pong makipagkasundo sa mga nagpapakilala umanong mga taga SSS at nais isagawa ang transaksyon sa labas ng SSS branches para makapag-apply sa PLP. Mga mandarambong po yan at scammers.

====

Congratulations sa SSS La Union branch! Nagawaran sila ng commendation o pagkilala mula sa Civil Service Commission (CSC) dahil sa kanilang ipinamalas na totoong serbisyo publiko. Mismong si CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada ang nakakita ng magandang serbsiyo ng SSS La Union branch noong nag-undercover siya at nagpanggap na ordinaryong miyembro. Bahagi ito ng Spot Check and Surprise Validation ng CSC upang masigurong nagbibigay ng dekalidad na serbisyo ang mga kawani ng gobyerno. Hindi naman nabigo si Comm. Lizada dahil maganda ang kaniyang nakita sa SSS La Union branch. Keep it up!

====

Mula po sa ating inbox, may tanong po ang isa nating miyembro.

hello po.. ask ko lang po paano po magupdate ng sss.. my anak po kc aq ngaun sa pagkadalaga.. at pwede na rin po ba aq kumuha ng sss id or umid id po?

Kung mag-uupdate ka ng iyong impormasyon sa SSS gaya ng pangalan, edad, taon ng kapanganakan, at pangalan ng mga benepisyaryo, kinakailangan ninyong mag-fill out ng SSS Form E-4 o Member Data Change Request Form na makukuha sa SSS branches o sa pamamagitan ng pagdodownload sa My.SSS portal. At dahil idadagdag mo na ang iyong anak sa listahan ng iyong benepisyaryo, ilakip sa E-4 ang photocopy ng kanyang PSA/NSO Birth Certificate. Huwag kang mag-alala dahil wala namang kaso sa SSS kung lehitimo ba ng iyong anak o kung anak mo siya sa pagkadalaga.

Para makakuha ng SSS UMID, dapat ay may isang buwan kang hulog ng kontribusyon sa SSS. Pumunta ka sa SSS branch na may UMID Data Capturing Facility katulad sa SSS Baguio para ikaw ay makunan ng litrato at biometrics. Ang maganda rito, libre ang pagkuha ng UMID Card para sa first timers. Kung sakaling nawala naman ang iyong UMID at kailangan mong kumuha ng panibago, kailangan mong magbayad ng replacement fee na P200.

====

Patuloy po ninyong ipadala ang anumang suhestiyon, opinyon at iba pang katanungan tungkol sa inyong SSS membership sa aking e-mail address rillortac@sss.gov.ph at susubukan nating pag-usapan yan sa ating susunod na column.

Comments