SSS: Serbisyong Sulit na Sulit

  • 1
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    1
    Share

This post has already been read 133 times!

PAGI-IWAS SA MGA ILIGAL NA ONLINE TRANSACTIONS

Magandang Araw, SSS!

May pinsan po akong may kausap sa Facebook at sinasabi nitong kaya raw siyang gawan ng My.SSS account kapalit ng P350.00 na serbsiyo. Hinihingi ngayon sa pinsan ko ang kanyang SS number at e-mail address. Pinagsabihan ko na siya na huwag makipag-transact sa taong iyon dahil baka hindi maganda ang kahihinatnan nito. Pakibigyan naman ito ng linaw para ipapabasa ko sa aking pinsan. Salamat po! – Rochelle Ducasan, Benguet

Magandang araw sa’yo, Rochelle! Unang-una, salamat dahil ipinarating mo kaagad sa amin ang impormasyong ito. Mabuti rin ang iyong ginawa dahil pinayuhan mo ang iyong pinsan na huwag ipagpatuloy ang paikikipagusap sa taong nakilala lamang niya sa Facebook.

Patuloy ang panawagan ng SSS sa mga miyembro na iwasan ang makipagusap sa mga indibidwal o grupo sa social media na nagaalok ng mga serbisyo ng SSS at humihingi ng pera o bayad bilang kapalit.

Kung gagawa ng My.SSS account, kinakailangan ang mga pribadong impormasyon ng miyembro tulad ng SocialSecurity (SS) number, email address, mailing address, at login credentials gaya ng username at password.  May automatic link na papasok sa e-mail address ng miyembro para makagawa ng password. Kung may My.SSS na ang miyembro, irehistro na rin ang Disbursement Account o kung saan idedeposito ang benefit o loan proceeds sa ilalim ng Disbursement Account Enrollment Module (DAEM).

Kung ipapagawa mo ito sa taong hindi mo naman kilala at nakikita, hawak niya ang iyong login credentials. Samakatuwid, madali niyang maa-access ang iyong mga impormasyon gaya ng bank account, personal na impormasyon, pati na rin ang iyong SSS records.

Ano ba ang maaaring mangyari kapag hawak na nila ang mga nasabing impormasyon ng miyembro? Maaari silang mag-file ng ano mang benepisyo o loan kahit ano mang oras nila gusto nang hindi alam ng miyembro. Matapos makuha nang ilegal ang benepisyo o loan, maaari pa nilang gamitin ang pagkakakilanlan ng miyembro sa iba pa nilang modus sa social media. Ang nakakabahala pa rito, kung nadiskubre ng miyembro na may ilehitimong transakyon sa kanyang My.SSS account, kailangang maghain kaagad ng reklamo ang mga biktima para sa masusing imbestigasyon upang mapatunayan na hindi ang miyembro ang nagsagawa ng transaksyon.  Nais naming linawin na walang pananagutan ang SSS sa mga nabiktima ng fraud kung napatunayang nakipagtulungan ang miyembro sa mga kawatan para i-avail ang mga hindi awtorisadong transaksyon o serbisyo.

Sa pahayag mismo ni SSS President and CEO Michael G. Regino, ituring ninyong  PIN sa bangko ang inyong log-in credentials sa My.SSS account. Walang dapat ibang nakaka-alam.

Sabi rin ni PCEO Regino na huwag papatol sa iba’t-ibang Facebook pages na naga-alok ng kung ano-anong serbsiyo sa SSS at naniningil ng service fee. Walang bayad ang serbsiyo sa SSS at lahat ng transaksyon ay libreng ginagawa sa loob ng opisina o sa opisyal na online channel ng SSS.

Kung sakaling may kakilala kayong nabiktima ng anumang iligal na online transaction sa SSS, maaari po lamang na magsadya sa alinmang pinakamalapit na sangay ng SSS para magawan natin ng karampatang aksyon.

Kung may karagdagang tanong tungkol sa SSS o anumang paksa sa SSS na nais ninyong pag-usapan, mag-email lamang sa rillortac@sss.gov.ph

Comments