SSS: Serbisyong Sulit na Sulit

  • 30
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    30
    Shares

This post has already been read 76 times!

PRIBILEHIYO NG SSS MEMBERS

 

Gagayyem dita SSS, kayatko nga idamag nu kasatnu kadi ti ag-loan dita SSS? Naipadamag kaniyak nga daytuy nga proseso ket via online’n. Manu nga kontribusyon ti masapul tapnu maka-avail ti loan? Ken anya dagiti documentary requirements? Agyamanak ti oras yu – Roger dela Fuente, Baguio City

(Mga kaibigan sa SSS, gusto ko lang itanong kung paaano ang mag-loan sa SSS? May nakapagsabi sa akin na ang prosesong ito ay via online na. Magkano ang kontribusyon na kailangan upang maka-avail ng loan? At ano ang mga documentary requirements? Salamat sa oras ninyo)

Magandang araw sayo, Roger! Salamat sa iyong katanungan. Ang Salary Loan ay isang pribilehiyong hatid ng SSS. Maaaring makapag-avail ng Salary Loan basta’t pasok sa qualifying conditions ang miyembro.

Kinakailangan na mayroong hindi bababa sa 36 monthly contributions ang miyembro, kung saan ang anim dito ay dapat naibayad sa loob ng huling 12 buwan bago ang buwan ng pagpa-file ng loan application. Halimbawa, kung mag-aapply ang miyembro ng Salary Loan ngayong buwan ng April 2022, dapat mayroong siyang 36 posted monthly contributions at anim dito ay mula April 2021 hanggang March 2022.

Ang halaga ng salary loan ay batay sa average ng huling 12 Monthly Salary Credit (MSC) o contribution bracket na katumbas ng kita ng miyembro kada buwan. Halimbawa, kung ang MSC ng miyembro ay nasa maximum na P25,000.00 – ito rin ang halaga na kanyang mauutang. Kung umabot naman sa 72 months ang naitalang kontribusyon ng miyembro, maaari siyang umutang ng doble sa kanyang average MSC. Babayaran ang Salary Loan sa loob ng 24 buwan o dalawang taon, na may interes na 10% kada taon.

Online na ang submission ng Salary Loan application gamit ang My.SSS account. Hindi na kasi ngayon tumatanggap ng aplikasyon ang SSS branches. Dapat tandaan na kailangan muna i-enrol ang kanilang bank account sa ilalim ng Disbursement Account Enrollment Module (DAEM)  na nasa E-Services Tab ng My.SSS Portal para doon na idedeposito ng SSS ang loan proceeds. Tiyakin na dapat PESONet member ang bangko ng inyong account na i-eenroll. Para sa kumpletong listahan ng mga PESONet member banks, bisitahin ang link na ito https://www.bsp.gov.ph/PaymentAndSettlement/PESONet%20Participants.pdf.

Kung may aprubado nang bank account sa DAEM, maaari nang magfile ang miyembro ng Salary Loan application sa My.SSS. Bumalik lamang sa E-Services tab at i-click ang katagang “Apply for Salary Loan.” May mga detalye lamang na kailangang punan patungkol sa kanyang aplikasyon.

Samantala, kung nagpasa ng salary loan application ang employed members, kinakailangan muna i-certify ng kanilang employer ang kanilang aplikasyon gamit ang My.SSS account nila bago ito maaprubahan ng SSS. Kaya pinapayuhan namin ang employed members na abisuhan ang kanilang employer para i-review at aprubahan kaagad ang kanilang salary loan application. Tatlong araw lang kasi ang ibibigay sa employer para ma-certify ang loan application ng kanilang empleyado. Kung lumipas ang itinakdang araw at hindi pa na-certify ng employer, kailangan ulitin muli ng employed member ang kanyang online application.

Makikita agad sa system kung aprubado o rejected ang aplikasyon. May ilalabas din na listahan kung magkano ang magiging monthly amortization ng miyembro. Maaari itong ipa-print para may opisyal na dokumento ang miyembro tungkol sa kanyang transaksyon.

Sana ay nabigyan ko ng linaw ang katanungan mo Roger at sa mga miyembrong may kaparehas na katanungan.

Kung may karagdagang tanong tungkol sa SSS o anumang paksa sa SSS na nais ninyong pag-usapan, mag-email lamang sa rillortac@sss.gov.ph

Comments