Paano mag-enrol ng bagong bank account ang mga pensyonado?

  • 2
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    2
    Shares

This post has already been read 679 times!

Noong nakaraang kolum, napagusapan natin ang bagong schedule ng pagrerelease ng pensyon simula ngayong Oktubre. Nalaman natin na ipapadaan ng SSS sa disbursement account ang pondong nakalaan para sa pension benefit ng higit 2.77 milyong pensionado ng SSS.

Sa ilalim ng cashless disbursement na ipinatutupad ngayon ng SSS, may tatlong paraan para matanggap ng pensyonado ang kaniyang benepisyo. Maaaring sa pamamagitan ng PESONet participating bank, Electronic Wallet tulad ng PayMaya o sa DBP accredited pay-out center tulad ng MLhuillier. Iminumungkahi namin na piliin ng pensioner kung alin sa tatlo ang pinakamaginhawa para sa kanya. Mabuting balita dahil may PESONet participating bank na may online opening facilities sa kanilang Digital Onboarding System gaya ng Landbank of the Philippines.

Tandaan na halos lahat ng mga commercial banks at ilang rural banks ay bahagi na ng PESONet kaya walang kailangang ipangamba ang ating mga pensyonado. Subalit paano kung hindi bahagi ng PESONet ang banko ng isang pensyonado? Anong mga hakbang ang kailangan niyang gawin?

Matapos makapagbukas ng panibagong bank account ang retirement, partial disability, at total disability pensioners mula sa isang PESONet participating bank, kailangan nila itong i-rehistro sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) na makikita sa ilalim ng E-Services menu sa kaniyang My.SSS account. Pumili ng PESONet participating bank/E-wallet/Remittance Transfer Company/Cash Payout Outlet sa dropdown box at punan ang mga detalyeng hinihingi tulad ng account number o ang 11-digit mobile number. Huwag kalimutang suriin nang mabuti ang mga inilagay na impormasyon bago ito isumite nang maiwasan ang pagkakaantala ng pagpoproseso at pagbibigay ng pension.

Kung sa Electronic Wallet napiling ipadaan ang benepisyo, siguraduhin lamang na upgraded ng PayMaya account para matanggap ang kabuuang halaga ng benepisyo. Malalaman na upgraded ang PayMaya account kung may green check sa tabi ng owner’s profile. Kung sa MLuillier naman nais matanggap ang pensyon, siguruhin lamang na aktibong mobile number ang irerehistro sa DAEM dahil doon ipapadala ang reference number na siyang gagamitin para i-claim ang pension. Tandaan na may transaction fee din na dapat bayaran ang pensyonado sa RTC/CPO.

Kung tapos nang i-rehistro ang disbursement account sa ilalim ng DAEM, kailangan magsadya sa SSS para mag-fill out naman ng Pensioner Data Change Request (PDCR). I-submit ang nasabing form sa pamamagitan ng drop box na makikita sa harap ng mga branches. Kung bangko ang piniling mode of disbursement ng pensyonado, isumite kasama ng PDCR ang photocopy ng anumang government issued ID at photocopy ng validated deposit slip, ATM Card at Passbook. Ang pasusumite ng PDCR at iba pang nabanggit na dokumento ang kailangang gawin ng survivor pensioners para makapagpalit o makapagenroll ng disbursement account.

Nais rin ipaalala ng SSS na ang ang pagpapalit ng bagong account ay hanggang buong buwan ng Oktubre lamang. Sa mga pensioners na walang access sa internet o kaya ay nahihihrapan na makagawa ng sariling My.SSS account, maaari kayong magsadya sa E-Center ng SSS branches para doon kayo magpa-assist. May mga SSS staff doon na handang tumulong sa inyo.

===

Mula sa ating inbox:

BDO ang banko ng father-in-law ko. Kasama ba ito sa PESONet? Salamat po – Shiela

Oo, ang BDO ay nasa ilalim na ng PESONet. Para sa kumpletong listahaan ng mga banking kasapi na sa PESONet, maaaring makita ito sa www.bsp.gov.ph

 ===

 Kung may katanungan ako tungkol sa programang ito ng SSS, saan ako pwede sumangguni o tumawag? – Marie

 Kung may karagdagang tanong o nais humingi ng paglilinaw tungkol sa bagong schedule ng pensyon, maaari kayong mag-email sa member_relations@sss.gov.ph o ofw.relations@sss.gov.ph o kaya ay tumawag sa (02) 8920-6446 hanggang 55 o kaya naman ay magpadala ng email sa baguio@sss.gov.ph.

 ===

Kung may paksa o tanong tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa kolum na ito, magpadala lamang ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph. ###

Comments