Batay sa pinakahuling datos nitong Hulyo 2020, aabot na sa 985,360 ang mga rehistradong employers sa SSS. Regular silang bumibisita sa mga SSS branches o kaya naman sa mga bangko para bayaran ang kontribusyon at loan ng kanilang mga empleyado. Subalit, ang mga employers ngayon ay nahihirapang tuparin ang kanilang obligasyon dahil sa limitadong galaw bunsod ng ipinatutupad na community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus disease (COVID-19).
Dahil dito, mas pinalawak pa ng SSS ang online payment channels nito para mas ligtas na makapagbayad ang ating mga regular at household employers ng buwanang kontribusyon at loan amortization ng kanilang mga empleyado.
Maaaring magbayad ang mga regular at household employers ng buwanang kontribusyon ng kanilang mga empleyado gamit ang web facilities ng Security Bank Corporation (SBC)- Digibanker at Unionbank of the Philippines- UnionBank Online. Samantala, pwede ring magbayad ang mga regular employers sa Bank of the Philippine Islands (BPI)- Bizlink.
Ang mga eGov BancNet members naman na maaring tumanggap ng SSS payments mula sa mga employers ay ang mga sumusunod:
- Asia United Bank Philippine Bank of Communications
- Bank of Commerce Philippine National Bank
- China Bank Rizal Commercial Banking Corporation
- CTBC Bank Robinsons Bank
- Metropolitan Bank and Trust Company Standard Chartered Bank
- MUFG Bank United Coconut Planters Bank.
Gamit ang mga nabanggit na online payment channels, hangad ng SSS ang mas ligtas, mabilis, at maginhawang pagbabayad ng ating mga regular at household employers.
===
Ako naman ay nakatanggap ng mabuting balita mula sa aking kaibigan na nagmamay-ari ng isang panaderya dito sa lungsod. Aniya, talagang may dulot na ginhawa ang pagkakaroon ng My.SSS account. Hindi na niya kailangan pang pumunta sa SSS branch dahil makikita na niya dito ang listahan ng binayaran niyang kontribusyon at loan para sa kanyang empleyado gayundin ang status ng mga isinumiteng Sickness at Maternity Reimbursement Claims. Pwede ring mag-generate ng Payment Reference Number (PRN), mag-certify ng employees’ Salary Loan at Retirement Claim, magsumite ng Maternity Notification, Sickness Notification, Employment Report Form (Form R1A), Contribution Collection List (Form R-3), at Loan Collection List (Form ML-2). Nakarehistro na rin ang kaniyang bank account gamit ang Disbursement Account Enrollment Module (dating Bank Enrollment Module o BEM) para dito na direktang idedeposit ng SSS ang mga naaprubahang benefit reimbursements.
===
Patuloy pa rin ang ating webinar series para sa ating mga miyembro at employers na nais pang magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang programa ng SSS. Ilan sa mga paksang tatalakayin ay aplikasyon ng Social Security (SS) number, paggawa ng sariling My.SSS account sa SSS website, online filing ng Sickness at Maternity Notification at Sickness Reimbursement Application sa SSS website, at marami pang iba. Para sa mga interesadong lumahok sa webinars, i-access lamang ang link http://tiny.cc/SSS_Webinar_Registration2 at mamili ng schedule. Ang webinar series na ito ay bahagi pa rin ng aming pagdiriwang ng ika-63 anibersaryo ng SSS.
===
Kung may paksa o tanong tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa kolum na ito, magpadala lamang ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph