Happy Anniversary Social Security System

  • 52
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    52
    Shares

Ngayong Setyembre ay ginugunita natin ang ika-63 anibersaryo ng Social Security System (SSS) ng may temang “Responding to the Times through ExpreSSS”. Simula ito ng digitalization efforts ng SSS para makapaghahatid sa mga miyembro nito ng mas mabilis, simple, ligtas, at madaling paraan ng pakikipagtransaksyon sa SSS.

Ang digitization efforts ng SSS ay nagsimula noong umupo si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ibinilin niya sa mga ahensiya ng gobyerno na simulan nang gamitin ang makabagong teknolohiya upang maging bahagi sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko. Narinig ito ng SSS. Taong 2016, inumpisahan nang pag-aralan ng mga namumuno ng ahensiya ang digitization process. Ngayon, maraming serbisyo na sa SSS ang online.

Ngunit bago pa namin maabot ang higit anim na dekadang paglilingkod sa bayan, balikan natin kung paano nabuo ang SSS bilang institusyon ng gobyerno. Taong 1957 nang itinatag ang SSS para bigyan ng social security protection ang mga manggagawang Pilipino mula sa pribadong sektor. Subalit, dumaan ito sa samu’t-saring debate, pag-aaral, at pagsusuri hindi lamang sa kamay ng mga namumuno noon kundi maging sa mga negosyante at mga grupo ng manggagawa.

Noong 1948, inatasan ni dating Pangulong Manuel Roxas ang kongreso na bumuo ng isang social security program. Nang namatay si Pangulong Roxas, ipinagpatuloy ni Pangulong Elpidio Quirino ang nasabing programa at nilagdaan niya ang EO 150 para bumuo ng Social Security Commission na siyang bumalangkas ng Social Security Act.

Matapos isumite sa Kongreso ang Social Security Act, naipasa ang panukala sa tulong nina Representative Floro Crisologo at Senador Cipriano Primicias at Manuel Briones. Kinalaunan ay pinirmahan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Republic Act 1161 o ang Social Security Act of 1954. Sa wakas ay tuluyan nang ipinatupad ang Social Security Act of 1954 sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Carlos Garcia noong Setyembre 1, 1957.

See other columns:

Learning My Lessons
Continuous upending routines
Happy one hundred and eleven years
Prohibitions Under the Notarial Rules
Ang SSS Maternity Benefit Program at online application ng Maternity Notification

Malaki rin ang kontribusyon ng ating mga nagdaang Pangulo upang mas mapalawig ang pagbibigay ng social security protection sa mga manggagawa. Noong Setyembre 7, 1979, pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang PD 1636 na kung saan kabilang na ang self-employed bilang miyembro ng SSS. Kinalaunan, isanama na ang mga magsasaka at mangingisda.

Makalipas ang 18 taon, pinirmahan ni Pangulong Fidel Ramos ang RA 8282 o Social Security Act of 1997. Kaakibat ng bagong batas ang mas magandang benepisyo, pinalawak na SSS coverage, pinahusay na investment programs, mas mabigat na parusa para sa mga lumalabag na employers, pati na rin ang pagbibigay ng contribution penalty condonation program at voluntary provident fund para sa mga miyembro.

Noong 2019, nilagdaan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11199 o ang pinakabagong Social Security Act of 2018 na nagbibigay ng kapangyarihan sa Social Security Commission (SSC) na kondonahin ang naipong multa ng miyembro at employers at i-adjust ang SSS contribution. Idinagdag din ang Unemployment Insurance bilang pang-pitong benepisyo para sa mga miyembro at samantalang isinabatas na rin ang mandatory SSS coverage ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Batay sa datos ng SSS nitong July 2020, may 320 sangay ang SSS sa buong bansa at 28 foreign offices sa iba’t-ibang panig ng mundo upang pagsilbihan ang higit 38 milyong miyembro. Pinakamarami dito ang Employed members, na sinundan ng Voluntary members, Self-Employed at OFWs. Habang dumarami ang miyembro at pensyonado kada taon ay ipinapangako ng SSS na magpapatuloy ito sa pagbibigay ng sapat na benepisyo at pribilehiyo sa oras ng kanilang pangangailangan. Kahit sinusubok tayo ng panahon ay mananatili kami na kabalikat ninyo habambuhay.

===

Sa buong buwan ng Setyembre ay magkakaroon ng sunod-sunod na webinars para sa mga miyembro tungkol sa mga online services ng SSS. Kabilang sa mga tatalakayin ay aplikasyon ng Social Security (SS) number, paggawa ng sariling My.SSS account sa SSS website, online filing ng Sickness at Maternity Notification at Sickness Reimbursement Application sa SSS website, generation ng Loan Collection List, online application para sa Unemployment Benefit, Retirement Benefit, Funeral Benefit, Salary Loan, at Calamity Loan, pagrerehistro ng bank account sa ilalim ng ng Bank Enrollment Module, Expanded Maternity Leave Law, at SSS Mobile App.

Para sa mga interesadong lumahok sa webinars, i-access lamang ang http://tiny.cc/SSS_Webinar_Registration2 at mamili ng schedule.

===

Kung may paksa o tanong tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa kolum na ito, magpadala lamang ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph

You might also like:

Key, powerful biblical messages about Jesus and His ministry
Let’s get physical: A healthy body leads to a sound mind
Top 8 things to take with you when you go out camping
Investing tips: Some things to consider before making an investment
Why you need to clean your bedsheets regularly!

 

 

2020 Cordillera events in pictures
What to look for in a CRM software for a small business
Baguio City’s silvercraft silver linings; eyes markets in ‘new normal
COVID-19 myths that are not true
ONE, NBA among top Facebook engaged sports profiles



Comments