Frequently asked questions sa SSS ngayong quarantine period

  • 55
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
    55
    Shares

This post has already been read 68 times!

Sa kasalukuyan ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) pa ang Baguio City at ibang probinsya sa ating lugar upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng corona virus disease o COVID-19. Dahil dito,may mga bagong patakaran at proseso na ipinatutupad sa SSS branches na naaayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases. Marahil ay naninibago pa rin ang ating mga miyembro, employers, at pensioners sa new normal procedures kaya naman nakakatanggap tayo ng maraming katanungan mula sa kanila. Kaya ngayong linggong ito, inilaan natin ang kolum na ito upang tugunan ang kanilang mga ipinadalang mga katanungan sa SSS.

1.Hindi ko nabayaran ang aking 1st quarter contributions dahil hindi ako nakalabas ng aming barangay. Ano po ba ang maaari kong gawin?

Ang contribution payment para sa 1st quarter ng 2020 (January, February at March) ay pinalawig hanggang June 15, 2020. Kung may Payment Reference Number o PRN ka na para sa 1st quarter contributions, maaari kang magbayad sa alinmang Western Union branches dito sa Baguio. Kung wala pang PRN, maaari ding magbayad sa SSS Baguio branch o sa alinmang sangay ng Balingit Home Furniture (BHF).



2. May loan moratorium pa ba sa mga pautang ng SSS?

May three-month moratorium na ibinigay ang SSS bilang pagsunod sa Bayanihan: To Heal as One Act Program ng gobyerno para sa short term loan payments mula sa buwan ng Pebrero hanggang Abril 2020. Kabilang sa nasabing moratorium ang mga naaprubahan na Salary Loan, Calamity Loan at Emergency Loan noong January 1, 2018 hanggang March 16, 2020, kabilang na rin dito ang Loan Restructuting Program (LRP) at Educational Assistance na kasalukuyang binabayaran ng miyembro.

3. Survivor pensioner ako pero senior citizen na. Hindi ako makalabas ng bahay dahil ipinagbabawal kaya hindi ako nakapagreport sa ACOP noong Abril. Matitigil ba ang aking tinatanggap na pension?

Ang Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) ay pansamantalang suspendido ngayong panahon ng quarantine period. Sa panahong ito, tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap ng inyong pension at hindi ito mapuputol. Kapag nagtapos na ang quarantine period, bibigyan pa rin kayo ng 60 days upang makapag -comply sa programang ito.

4. Ano ang qualifying conditions at requirements para makapag-avail ng Unemployment Benefit? Tuluyan na kasing nagsara ang aking pinapasukang kumpanya dahil sa Covid-19 pandemic.

Upang makwalipika, dapat nakapagbayad ng hindi bababa sa 36 buwang kontribusyon ang miyembro, kung saan ang 12 dito ay naibayad sa loob ng 18 buwan bago ang mismong buwan na nawalan sila ng trabaho. Dapat ay wala pang 60 taon ang miyembro, samantalang 50 taon naman ang underground at surface miners, at 55 taon kapag hinete. Kumuha lamang ng sertipikasyon mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at isumite ito sa SSS kasama ang inyong savings account number sa bangko. Kung OFW naman, kailangang magpasa ng sertipikasyon mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO).

5. Maaari ba akong magsubmit ng Retirement Benefit Application sa SSS ngayong quarantine period?

Opo. Patuloy pa ring tumatanggap ang SSS ng anumang benefit application kahit nasa quarantine period tayo. May mga drop boxes sa harap ng SSS branches para doon isumite ang inyong mga aplikasyon kalakip ang kumpletong mga dokumento at ipo-proseso naman ito sa mga susunod na araw. Tandaan lamang na ilagay ang lahat ng dokumento sa isang brown envelope at isulat ang inyong pangalan, address, at contact details gaya ng inyong cellphone number upang madali namin kayong matawagan kung may update o ilang paglilinaw sa inyong mga aplikasyon.

===

Inaanyayahan namin ang lahat ng mga miyembrong aktibo sa Facebook na manood ng live episode ng “USSSap Tayo” tuwing Biyernes,10:00 ng umaga. Pinag-uusapan sa programang ito ang iba’t ibang programa at serbisyo ng SSS para sa mga miyembro. Interactive ito kaya maaari din kayong magpost ng inyong mga tanong habang nanonood at sasagutin ito ng mga hosts ng programa at Facebook administrators.

Ugaliin ding bisitahin ang SSS Website, www.sss.gov.ph, gayundin ang iba pang official Social Networking Sites ng SSS: @SSSPh sa Facebook, @PHLSSS sa Twitter, MySSSPhilippines sa YouTube, at @MySSSPh sa Instagram para sa iba pang karagdagang impormasyon.

===

Kung may paksa o tanong tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa kolum na ito, magpadala lamang ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph

You might also like:

FRONT PAGE PHOTOS – 2020 (The stories behind our main photos)
Big J, The Kraken, Quick Brown Fox banner this potent PBA starting five
Will Bitcoin Play a Bigger Role for Traders and Consumers in Baguio?
Why is the Bible trustworthy and reliable and is God real?

 

 

 

 

 

 

 

Redefining the customer experience at SM City Baguio
COVID-19 myths that are not true
Overcoming Struggles: An Amazing Dad’s Tale  
Agricultural Rituals of Sabangan

 

 

Comments