ExpreSSS e-Learning Portal

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa mga aktibidad ng SSS ay ang magsagawa ng information drive sa iba’t-ibang sektor ng lipunan para ipakilala ang mga programa at benepisyong ibinibigay sa mga miyembro, pensyonado, at kanilang mga benepisyaryo. Nakita namin na epektibo ang aktibidad na ito na kung saan kami na mismo ang lumalapit sa mga komunidad o organisasyon para ihatid ang wasto at napapanahong impormasyon sa publiko. Noong wala pang pandemya, kada linggo may may isinasagawang information drive ang SSS Baguio branch sa bawat barangay, market vendors association, Public Utility Jeepney (PUJ) at taxi owners/drivers association, at mga kooperatiba.

Ngunit sa panahon ngayon kung saan iniiwasan ang pagkukumpulan ng maraming tao, hininto muna ng SSS ang personal na pagbisita sa iba’t-ibang lugar para magsagawa ng information drive. Sa halip, gumamit kami ng alternatibong paraan para ipagpatuloy ang aktibidad na ito. Isa na lamang rito ang online webinar na isinasagawa dalawang beses sa isang araw, mula Lunes hanggang Biyernes. Makikita ang listahan ng topics at schedule kada linggo sa official Facebook Page ng SSS, ang “Philippine Social Security System-SSS”. Para naman sa mga employers at company representatives, maaari naman sila mag-request ng in-depth seminar para talakayin nang mas detalyado sa mga empleyado, maging mga nagtatrabaho sa Human Resource Department, ang mga benepisyo at pribilehiyo ng SSS. Para sa mga nais magpa-schedule, pwedeng mag-email sa member_education@sss.gov.ph.

Speaking of Facebook page, marami na kayong makukuhang updates dito–mula sa mga paraan kung paano gumawa ng sariling My.SSS acoount, magreset ng password, gamitin ang iba’t ibang online services sa My.SSS portal hanggang sa mga mahahalagang anunsyo ng SSS ay makikita niyo sa aming SSS FB Page. Maliban dito, may programa kami na ipinapalabas tuwing Huwebes mula 10 hanggang 11 ng umaga. Ito ay ang “USSSap Tayo.” Kapag may latest updates tungkol sa mga programa at serbisyo ng SSS, lagi namin inaanunsyo sa programang ito. Sinasagot din ng resource person, sa tulong na rin ng FB administrators, ang mga pumapasok na katanungan habang naka-live broadcast sa FB.

Makikita natin na may iba’t-ibang paraan para makakuha ng wasto at napapanahong impormasyon tungkol sa SSS. Subalit, batid namin na karamihan sa mga miyembro ay walang oras para umattend ng online webinar dahil may trabaho o kaya’y may mahalagang bagay na dapat tapusin. Kaya naman sa tulong ng teknolohiya, gumawa muli ng isa pang alternatibong programa ang SSS para matutunan ng publiko ang mga programa at benepisyo ng SSS kahit anong oras nila gugustuhin.

Inilunsad ang “ExSSSeL” o Express e-Learning Portal para mas may pagkakataong makuha ng ating mga miyembro at employers ang mga detalyadong impormasyon tungkol sa SSS benefits kahit nasa bahay man sila o opisina.

Sa ngayon, may limang training modules sa learning portal. Ito ay ang Sickness Benefit, Maternity Benefit, Unemployment Benefit, Disability Benefit at Salary Loan. Bibigyan ng SSS ng electronic certificate ang mga lalahok sa anumang module basta’t maipasa nila ng hindi bababa sa 80% ang post-examination. Kung hindi nakapasa sa post-examination, huwag mag-alala dahil maaari namang umulit hanggang sa maipasa ang nasabing exam. Nais din naming linawin na libre ang paggamit ng Learning Portal at ang binibigay na electronic certificate.

Para sa mga interesadong sumali sa e-Learning activity na ito, i-access lamang ang link na ito: https://bit.ly/ExSSSeL_Portal

===

Inilipat sa July 1 ang mahigpit na pagpapatupad ng Real-Time Processing of Loans (RTPL) o paggamit ng Payment Reference Number (PRN) para sa pagbabayad ng short-term loans gaya ng Salary, Calamity, Emergency, at Restructured Loan. Ito ay para mas mabigyan pa ng sapat na oras para makapaghanda ang mga miyembro at employers.

Ipapadala ng SSS ang loan billing notice kasama ang PRN nito sa nakarehistrong email address at mobile number ng mga employer at miyembro sa SSS database. Gagawin ito mula sa una hanggang ika-anim na araw ng buwan. Samantala, ang Loan Billing Statement na kung saan nakasaad ang PRN, ay maaaring makita ng mga employer at miyembro sa kanilang My.SSS account sa ilalim ng “RTPL” module at sa PRN Loan Inquiry.

Bukod sa PRN, makikita rin sa mga dokumentong ito ang amount due para sa current billing month at past due amortization kasama ang penalties mula sa nakaraang buwan, kung mayroon man.

Dahil sa bagong sistemang ipatutupad ng SSS, pinapaalalahanan natin ang lahat ng miyembro at employers na magkaroon ng sariling My.SSS account at i-update ang kanilang contact information.

===

Mula sa ating inbox:

Kakapasok ko lang bilang isang courier sa isang tanggapan ng gobyerno dito sa Baguio. Job order ang status ko. Hindi ako kinakaltasan sa GSIS pero nabalitaan ko sa ibang kasamahan ko na pwede akong kaltasan ng opisina namin para sa aking SSS contribution. Totoo po ba ito? Salamat sa pagtugon sa aking email – Ronald

Hi, Ronald! Mahalaga ang SSS membership sa mga katulad mong Job Order (JO) o Contractual employees ng government agencies dahil kailangan niyo rin mabigyan ng kaukulang social security protection lalo’t hindi kayo sakop sa GSIS Law. Siguraduhin na may koordinasyon ang iyong pinapasukang opisina at ang SSS. Mayroon kasing KaltSSS-Collect Program na kung saan ang mga JOs at contractual workers ay inirerehistro bilang self-employed members ng SSS. Sa ilalim ng Memorandum of Agreement, responsibilidad ng ahensya na ikaltas ang inyong SSS contribution sa inyong buwanang sahod at i-remit ito sa SSS.

===

Kung kayo ay may katanungan, paglilinaw o anumang paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan, Magpadala lamang ng email sa rillortac@sss.gov.ph.

Comments