Cayetano umaasa sa snowball of support’ sa P10k ayuda

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Umaasa si dating Speaker Alan Peter Cayetano na magkakaroon ng snowball of support’ para sa kanyang isinusulong at ng mga kasamang kongresista sa  Back To Service na P10K Ayuda Bill sa kamara.

Ito ay matapos magpahayag ng suporta sa naturang panukala si Paranaque 2nd District Rep.Eric Olivares. Sa panayam ng DZRJ, sinabi ni Olivares na full support’ sya sa P10K Ayuda  Bill ni Cayetano dahil kailangan ito ng sambayanang Pilipino. “Kung kaya ng budget bakit hindi para sa mga nangangailanan, kung kaya ng appropriation na i-budget po ‘yon para sa nangangailangan full support tayo doon kung kaya ng budget’’, ani Olivares.

Kaugnay nito, lubos ang pagpapasalamat ni Cayetano kay Olivares at sa iba pang mga kongresista na anya ay payag at sumusuporta din sa P10K Ayuda Bill. May consensus naman talaga ang buong Pilipinas na kailangan ng P10K ayuda ang mga Pilipino at ito’y mabuti sa ekonomiya at ito ay mabuti sa pamilya’’, giit ni Cayetano.

Nakiusap din si Cayetano sa mga kapwa kongresista na bilisan ang aksyon at suporta sa P10K Ayuda Bill upang maibigay agad ito sa mga nangangailangan lalo na ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan at inilugmok ng pandemyang COVID-19. Mahalaga anya na maikasa na ang P10K ayuda upang agad na maaksyunan ang pagbibigay ng iba pang stimulus package para sa ibang sector ng lipunan. ‘’Kaya pakiusap ko sa lahat ng kongresista na gawin nating mabilis at i- explain natin sa Malakanyang na may pera naman at agad agad na yung P10K ay maibigay at agada agad na isunod naman ang iba pang stimulus  gaya ng health, agriculture, tourism, education, at kabuhayan.’’

Ang P10K Ayuda Bill ay inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong February 2021. Sa halip na ito ay talakayin ay isinama ito sa pagtalakay sa Bayanihan 3 ngunit di rin nabigayan ng halaga dahil mas isinulong pa ng kamara ang pagbibigay ng P1K sa bawat Pilipino. Ito ay mariin namang tinutulan ni Cayetano dahil hindi anya limos ang kailangan ng mga tao sa kasalukuyan.’’Extraordinary times need extraordinary measures. Hindi po limos ang kailangan ng mga Pilipino sa ngayon’’, ayon pa sa dating speaker.

Nauna rito nanawagan si Cayetano sa mga tao na pakiusapan at ligawan ang kanilang mga kongresista na sumuporta sa P10K Ayuda Bill. Anya alam nya ang damdamin ng mga kasama sa kongreso tungkol sa naturang panukala. ‘’Alam ko naman ang damdamin ng mga kongresista at payag rin sila.

Noong Mayo Uno, Araw ng Paggawa ay inilunsad ni Cayetano at ng kanyang grupo ang Sampung Libong Pag-asa kung saan mahigit 200 benepisaryo ang nakatanggap ng P10K ayuda mula sa kanilang sariling pagsisikap. Ito ay upang mahikayat ang kamara na aksyunan na ang panukala upang makatulong sa mamaraming pamilyang Pilipino na makapag-umpisa ng maliit na kabuhayan at makabangon paunti-unti mula sa pagkakalugmok dulot ng COVID-19.###

Comments