Ano ang real-time processing of loans o RTPL?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

This post has already been read 3297 times!

Marahil karamihan sa ating mga miyembro ay nakaranas nang mag-apply ng Salary Loan sa SSS. Isa kasi ito sa pinakasikat na loan program maliban sa Calamity Loan, Educational Assistance Loan, Pension Loan, at Housing and Social Development Loan.

Kaya naman mas pinadali na namin ang paraan ng pag-aapply dahil pwede na itong gawin online. Siguraduhin lang na may sarili kayong My.SSS account. Para sa karagdagang detalye kung paaano magrehistro at gumawa ng account sa My.SSS, balikan niyo lamang ang aking kolumn noong January 17.

Maging sa pagbabayad ng loan ay pinadali na rin ito ng SSS. Ito ay sa pamamagitan ng Real-Time Processing of Loans o RTPL.

Sa katunayan, nagsimula nang magpadala ng billing notices ang SSS sa mga member-borrowers at employers noong November 2020 upang maabisuhan sila kaagad tungkol sa bagong programa ng SSS. Layunin nito na mai-post kaagad ang wastong loan payment ng miyembro.

Sakop ng RTPL ang lahat ng mga regular at household employers, self-employed (kabilang ang Informal Sector workers), voluntary, at OFW members. Kinakailangan lamang mag-generate ng Payment Reference Number (PRN) dahil ito ang magiging basehan sa pagbabayad ng kanilang utang sa SSS.

Sa mga employers, napakadali ang pagbabayad ng SSS loans ng kanilang mga empleyado. Basta’t nakarehistro na ang kanilang empleyado sa My.SSS Facility at updated ang kanilang mga contact information lalo na ang kanilang e-mail address, awtomatiko na silang makakatanggap ng electronic loan collection list (e-LCL) kasama ng kanilang PRN na gagamitin nila sa pagbabayad sa SSS. Maaari na rin nilang i-edit ito kung may pagbabago sa halaga ng babayaran, atbp.

Samantala, ang ating mga self-employed, voluntary at OFW members ay makakatanggap ng Statement of Account (SOA) sa kanilang e-mail address o sa kanilang mobile number. Siguraduhin lamang na tama at updated ang kanilang contact information.

====

Speaking of loans, tatlo sa aking mga kaibigan ang nagtatanong sa kung kailan daw ba ulit magkakaroon ng Loan Restructuring Program ang SSS. Nalaman ko rin sa Baguio Branch na maraming members ang nag-aabang dito dahil malaking tulong daw sana ito lalo ngayong panahon ng pandemya.

Base sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, nasa kamay ng Social Security Commission (SSC) ang desisyon sa pagpapatupad ng Loan Restructuring Program (LRP). Masusing pagbabalangkas at pag-aaral muna ang dapat gawin ng SSS bago ito irekomenda sa SSC para aprubahan. Sa ngayon ay hindi pa napag-uusapan ang tungkol sa LRP.

====

Mula sa ating inbox:

Nakapag-enrol na ako sa Disbursement Account Enrollment Module last year. Ngayon, nag-apply ako ng salary loan, ayaw naman pong pumasok sa bank account ko dahil kailangan ko daw ulitin ang enrollment ng aking bank account. Para saan pa yung ginawa kong DAEM noon? Sana ay matulungan niyo ako. Salamat! – Rose; Tuba, Benguet

Magandang Araw Rose,

Marahil ang tinutukoy ninyo ay ang Benefit Re-disbursement Module kung saan ay kailangan ninyong mag-upload ng larawan ng anuman sa mga sumusunod: Passbook na kita ang inyong pangalan at account number, ATM card na kita rin ang account number at pangalan mo sa card, deposit slip na validated ng bangko, bank certificate o bank statement na inissue ng bangko mula noong 2019 hanggang sa kasalukuyan o screenshot ng iyong mobile app account. Kaya idinagdag ang bagong feature na ito sa My.SSS para maiwasan ang fraud o panglilinlang ng ibang tao para makakuha ng benepisyo na hindi naman nararapat sa kanila.

====

Magpadala kayo ng e-mail sa rillortac@sss.gov.ph kung may mga katanungan kayo sa inyong SSS membership o records o may mga paksa tungkol sa SSS na nais ninyong pag-usapan sa aking mga susunod na column.

Comments